Nagbukas na ang Commission on Elections ng registration site sa SM City Batangas para sa mga gustong makibahagi sa darating na 2026 Barangay at SK Elections.

Layunin nito na gawing mas madali at komportable ang pagpaparehistro ng mga botante, lalo na sa mga kabataan at first-time voters, sa loob ng mall setting.
Gaganapin ang registration sa Ground Level, dating MARINA office, sa mga petsang April 28 hanggang 30 at May 14 hanggang 16, 2026.
Ayon sa COMELEC, mahalagang makapagparehistro ang bawat kwalipikadong Pilipino para marinig ang kanilang boses sa komunidad.
Paalala ng pamunuan ng SM, dalhin ang mga kinakailangang dokumento at samantalahin ang pagkakataon na makapagparehistro nang maayos at mabilis. | BChannel News