Opens in a new tab
Skip to content
International

82 katao, patay sa pagsabog sa minahan sa northern China

chinese national flag in shenzhen guangdong province

Patuloy ang search and rescue operations sa northern China matapos umabot na sa 82 ang nasawi sa malakas na gas explosion sa isang coal mine sa Shanxi province. Dalawa naman ang patuloy pang hinahanap ng rescuers matapos ang insidente noong Biyernes.

Ayon sa Chinese authorities, nasa 247 workers ang nasa ilalim ng minahan nang mangyari ang pagsabog.

Sa imbestigasyon, lumabas na may “seryosong paglabag” umano sa safety rules ang kumpanyang nagpapatakbo ng minahan. Ayon sa state media, mahigit kalahati raw ng mga minero na bumaba sa shaft ay hindi dumaan sa tamang registration process. Karaniwan kasing required ang facial recognition o tracking cards bago makapasok sa minahan.

Mahigit 100 sugatan ang naisugod sa ospital matapos ang pagsabog. Gumagamit na rin ng robot ang rescuers para masuri ang kondisyon sa loob ng minahan habang nagpapalitan ang mga rescue team sa paghahanap sa mga nawawala.

Dahil dito, nag-utos ang Chinese government ng mas mahigpit na crackdown laban sa illegal mining practices at pagpapalsipika ng safety records sa iba’t ibang minahan sa bansa.

Kilala ang Shanxi bilang sentro ng coal mining industry ng China.