Opens in a new tab
Skip to content
News

Dalawang narra trees, inilipat ng DENR makaraang batikusin sa mahigit 200 pinutol na puno

majestic tree canopy under clear sky

Inilipat ng Department of Environment and Natural Resources o DENR ang dalawang narra trees mula Quirino Avenue papuntang Hidden Garden Manila ngayong May 28 bilang bahagi ng kanilang environmental safeguard measures.

Layunin ng hakbang na mailigtas ang mga punong apektado ng kasalukuyang infrastructure projects sa lugar, habang sinisikap na mapanatili ang ilan sa mga ito sa halip na tuluyang maputol.

Ayon sa DENR, bahagi ito ng kanilang approach para mabalanse ang urban development at environmental protection, lalo na sa mga lugar na mabilis ang konstruksiyon.

Gayunman, nangyayari ito kasunod ng isyu sa Quirino Avenue kung saan mahigit 200 puno na ang naputol, kabilang ang isang higit 50 taon nang narra tree. Aabot umano sa 617 puno ang target alisin bilang bahagi ng halos apat na kilometrong Southern Access Link Expressway o SALEX project, na may permit mula rin sa DENR.

Dahil dito, binatikos ang ahensya sa pag-apruba ng tree cutting kung saan ilang sektor ang nagpahayag ng concern sa epekto nito sa kapaligiran.