Opens in a new tab
Skip to content
Batangas Province

Dalawa Patay sa salpukan ng Truck at Motor sa San Pascual, Batangas

Lalaki, Sugatan sa Pananaksak sa Talisay, Batangas

Dalawa ang nasawi matapos ang isang aksidente na naganap bandang 3:30 ng madaling araw noong May 31, 2026 sa Bypass Road, Barangay Mataas na Lupa, San Pascual, Batangas.

Base sa ulat ng San Pascual Municipal Police Station, isang concerned citizen ang tumawag bandang 4:15AM para i-report ang insidente. Rumesponde ang imbestigador ng pulisya para beripikahin ang lugar.

Sa inisyal na imbestigasyon, isang truck na minamaneho ni Raymund, 52-anyos, at residente ng Marilao, Bulacan, ay binabagtas ang eastbound lane ng bypass road. Pagdating sa intersection, tinamaan ang kanang bahagi ng truck ng isang motorsiklo na minamaneho ni Christian, 21-anyos mula Lipa City, Batangas, kasama ang angkas na si Niabelle, 23-anyos mula Occidental Mindoro.

Dahil sa lakas ng banggaan, tumilapon sa kalsada ang driver at backrider ng motorsiklo at nagtamo ng matinding pinsala sa katawan. Isinugod sa St. Pascal De Baylon Hospital, ngunit idineklara silang dead on arrival bandang 4:26AM.

Ang mga labi ng mga biktima ay dinala sa isang funeral home sa Barangay Natunuan, San Jose, Batangas.

Samantala, nasa kustodiya na ng pulisya ang driver ng truck habang nagpapatuloy ang imbestigasyon. | BChannel News