Arestado ang isang 47-anyos na lalaki sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Tinga Itaas, Batangas City noong June 16.
Kinilala ng mga awtoridad ang suspek na si “Impols,” residente ng San Juan, Batangas.
Ayon sa imbestigasyon, nahuli umano siya matapos makipagtransaksyon sa isang poseur buyer na nagpanggap na bibili ng ilegal na droga.
Sa operasyon, narekober ang tinatayang 100 gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang halaga na nasa 680-libong piso. Nakuha rin ang buy-bust money, isang sling bag, kaunting cash, isang kalibre .9mm na baril na may magazine at mga bala, at isang motorsiklo.
Pinangunahan ang operasyon ng mga pulis kasama ang Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA.
Dinala ang suspek para sa kaukulang pagsusuri habang isinasailalim naman sa laboratory examination ang mga nakumpiskang ebidensya. Inihahanda na rin ang mga kasong may kaugnayan sa ilegal na droga at paglabag sa batas sa baril laban sa suspek. | BChannel News