Opens in a new tab
Skip to content
News

Rider, patay sa pamamaril sa Kalayaan, Laguna

crime scene do not cross signage

Patay ang isang lalaking rider matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa Sitio Kalayaan, Barangay San Antonio, Kalayaan, Laguna nitong Hulyo 9.

Ayon sa paunang imbestigasyon ng Kalayaan Municipal Police Station, minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo nang pagbabarilin ng suspek na armado umano ng caliber .45. Dead on the spot ang biktima.

Tinamaan din ng ligaw na bala ang isang babae na kinilalang si Marilyn, na sakay ng tricycle sa lugar. Nagtamo siya ng tama sa paa at nasa stable condition na.

Nakarekober ang mga awtoridad ng limang basyo ng bala, isang belt bag, at isang tsinelas sa crime scene. Mabilis namang tumakas ang suspek sakay ng motorsiklo at patuloy ngayong pinaghahanap ng pulisya. Nagsasagawa na rin ng imbestigasyon ukol sa krimen gayundin ang motibo ng suspek.