Opens in a new tab
Skip to content
Batangas Province

Singil sa Kuryente ng Batelec I, tumaas ngayong Hulyo

power lines under blue sky

Mas lalaki ang bayarin sa kuryente ng mga consumer ngayong Hulyo 2026 matapos tumaas ang residential power rate sa ₱12.90 kada kilowatt-hour, mula sa ₱11.31 kada kilowatt-hour noong Hunyo. Katumbas ito ng dagdag na ₱1.65 kada kWh.

Ayon sa BATELEC I, isa sa mga pangunahing dahilan ng pagtaas ay ang mas mataas na generation charge o halaga ng binibiling kuryente.

Nakaapekto rin dito ang paggalaw ng presyo ng fuel at ang palitan ng piso kontra dolyar. Nadagdagan din ang transmission charge, mga buwis, at iba pang singil na inaprubahan ng mga regulator.

Tumaas din ang singil para sa low-voltage at high-voltage consumers. Nilinaw naman ng BATELEC I na hindi nito direktang itinatakda ang power rates dahil ang mga ito ay nakabatay sa mga regulasyon at aprubadong charges ng Energy Regulatory Commission o ERC.

Dahil dito, inaasahang mararamdaman ng maraming kabahayan at negosyo ang dagdag-gastos sa konsumo ng kuryente ngayong buwan.