Patay ang isang 45-anyos na lalaki matapos tangayin ng malakas na agos ng ilog dahil sa epekto ng habagat sa Brgy. Talumpok Silangan, Batangas City, nitong August 8, 2026.
Kinilala ang biktima bilang si Joey, at residente ng Sitio Catmon, Brgy. San Jose Sico, Batangas City.
Batay sa initial investigation ng Batangas CCPS, dakong 6:50 AM nang magtungo ang biktima kasama ang kanyang mga helper na sina Darwin at Juanito sa barangay water source sa Sitio Puyusan, Brgy. Talumpok Silangan, para kumpunihin ang nasirang bahagi nito.
Pauwi na sila nang maputol ang strap ng backpack ng biktima at mahulog ito sa ilog na may malakas na agos ng floodwater.
Nang tangkain niyang kunin ang bag, hindi na siya nakayanan ng agos at tinangay siya ng tubig.
Agad nagsagawa ng search and rescue operation ang CDRRMO, Batangas CCPS at iba pang rescuers.
Dakong 5:30 PM, natagpuan ang biktima na wala nang buhay, matapos umanong matangay ng baha nang humigit-kumulang 2.5 kilometro.
Dinala ang labi ng biktima sa isang punerarya sa Brgy. Kumintang Ibaba, Batangas City para sa proper disposition. | BChannel News