Opens in a new tab
Skip to content
Batangas Province

3 arestado sa drug den bust sa Batangas City

Tatlong katao ang naaresto matapos mabuwag ng mga awtoridad ang isang hinihinalang drug den sa Purok 1, Barangay Bolbok, Batangas City sa isinagawang buy-bust operation bandang 9:45 kagabi Agosto 11, 2026.

Kinilala ang mga suspek na sina John, 30; Jon, 41; at Julie Anne, 25, na pawang residente ng Batangas City.

Sa operasyon ng PDEA Batangas Provincial Office, katuwang ang Batangas Maritime Police Station at Batangas City Component Police Station, nakumpiska ang tinatayang 10.1 gramo ng hinihinalang shabu na may halagang P18,500.

Narekober din ng mga operatiba ang ilang gamit na umano’y may kaugnayan sa paggamit ng iligal na droga, kabilang ang mga piraso ng foil, gunting, disposable lighters, at ang buy-bust money.

Nahaharap ang mga naarestong suspek sa mga kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, kaugnay ng pagbebenta at pag-iingat ng ipinagbabawal na gamot.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad kaugnay sa operasyon sa Barangay Bolbok, Batangas City. | BChannel News