Nilagdaan sa SM City Batangas ang isang Memorandum of Agreement o MOA para palakasin ang breastfeeding support at human milk donation sa Batangas City.

Tatlong pangunahing partido ang lumagda sa kasunduan kabilang ang SM City Batangas, Batangas Medical Center Human Milk Bank at Batangas City Health Office.
Layunin ng partnership na magkaroon ng mas maayos na sistema para sa human milk donation at mas mapalakas ang suporta sa mga breastfeeding mothers at kanilang mga sanggol.
Isinagawa ang MOA signing kasabay ng HAKAB’TA 2026, ang nationwide breastfeeding activity ngayong August 12, na may temang “Strengthening Breastfeeding Support, Human Milk Donation and Partnership.”

Kasabay din nito ang launching ng SM City Batangas Human Milk Depot at ang Milk Letting Activity, kung saan umabot sa 117 mothers ang dumalo at nakiisa kasama ang kanilang mga sanggol.
Kabilang sa mga dumalo at nagbigay ng mensahe sina Atty. Pearly Joan Jayagan-Turley, Program Director ng SM Cares for Women and Breastfeeding Mothers at Medical Center Chief ng Batangas Medical Center; Dra. Angela Gracia F. Alegre ng Department of Family and Community Medicine; at Dra. Rosa Marie B. Rempillo, Assistant Regional Director ng DOH Center for Health Development CALABARZON.
Dumalo rin si Batangas City Mayor Mario Vittorio “Marvey” A. Mariño, kasama ang ilang konsehal ng lungsod na nagpakita ng suporta sa programa.

Nagbigay rin ng mensahe si Batangas City Congresswoman Beverley Dimacuha tungkol sa kahalagahan ng breastfeeding lalo na ang karanasan nito.
Ayon kay Dra. Rempillo, siyam na taon nang isinasagawa ang HAKAB program. Isa sa kanilang layunin ngayon ang magkaroon ng human milk donation drive sa mga barangay, para mas mailapit ang programa sa mga komunidad.
Binigyang-diin din ni Ms. Jellie Anne Palencia, Nutrition Breastfeeding Program Manager ng DOH CALABARZON, na hindi madali ang breastfeeding at kailangan ng sapat na suporta mula sa pamilya, health facilities at komunidad.

Sa mensahe naman ng DOH, patuloy nilang isinusulong ang diwa ng HAKAB na “One Latch, One Love, One Nation.”
Sa pamamagitan ng MOA, inaasahang mas mapapalakas ang koordinasyon ng mga katuwang na institusyon at mas mapapalawak ang access sa breastfeeding support at human milk donation para sa mga ina at sanggol sa Batangas City. | BChannel News #BCBrandLab