Patay ang isang 70-anyos na lalaki matapos umanong saksakin ng kanyang manugang sa Purok 2, Barangay 3, Lipa City, Batangas, madaling-araw nitong October 1, 2026.
Batay sa police report, dakong 5:30 AM nang biglang atakihin at saksakin ng suspek ang biktima habang nasa labas ito ng kanilang bahay. Tinamaan ang biktima sa kanang kilikili.
Isinugod siya ng kanyang anak sa Ospital ng Lipa sa Barangay Marauoy, pero idineklarang dead on arrival.
Nakilala ang biktima bilang “Casiano,” at residente ng Purok 1, Barangay 3, Lipa City.
Ang suspek naman ay kinilala na “Tukis,” 48-anyos, at residente ng Purok 2, Barangay 3.
Matapos ang insidente, mabilis na umalis ang suspek sakay ng black motorcycle.
Ayon sa paunang imbestigasyon, may kinikimkim umanong galit ang suspek sa biktima. Iniimbestigahan din ang
Ayon sa paunang imbestigasyon, matagal na umanong may galit ang suspek sa biktima. Pinaghihinalaan din umano niya na may relasyon ang biktima sa kanyang asawa.
Lumabas din sa report na sumailalim ang suspek sa rehabilitation dahil sa drug addiction.
Kasalukuyang isinasagawa imbestigasyon at ang hot pursuit at dragnet operation, habang hinihintay din ang assistance ng Scene of the Crime Operations o SOCO. | BChannel News