Tatlong hinihinalang sangkot sa ilegal na droga ang arestado matapos salakayin ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA Batangas, katuwang ang Laurel Municipal Police Station, ang isang umano’y drug den sa Purok 4, Poblacion 4, Laurel, Batangas nitong Agosto 22.
Nakilala ang mga suspek sa alyas na Goryo, 29 anyos; Rey, 42; at Dondon, 45.
Nasamsam sa operasyon ang tinatayang 5.1 gramo ng hinihinalang shabu, na may halagang 34,680 pesos, bukod pa sa mga drug paraphernalia at buy-bust money.
Ayon sa PDEA, isinagawa ang operasyon bilang buy-bust operation na nauwi sa pagkakabuwag ng naturang drug den at pagkakaaresto sa tatlong indibidwal.
Nahaharap ang mga suspek sa mga kasong paglabag sa Sections 5, 6, 7, 11 at 12, Article II ng Republic Act 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad kaugnay ng operasyon at mga nakumpiskang ebidensya. | BChannel news | 📸 PDEA CALABARZON