Mas maagang pagpapasuri at paggamot ang muling itinulak ng Batangas Provincial Health Office o PHO sa gitna ng kampanya kontra tuberculosis o TB.
Ito ang naging sentro ng Lung Month activity na ginanap nitong Agosto 25 sa DREAM Zone, Batangas Provincial Capitol, kung saan tinalakay ang mga hakbang ng mga health worker at local government units sa prevention, detection at treatment ng TB.
Bahagi ng programa ang National Tuberculosis Program o NTP, kasama ang presentasyon ng mga ginagawa ng iba’t ibang munisipalidad at lungsod. Mayroon ding pagkilala sa mga lugar na kabilang sa top performers sa pagpapatupad ng TB programs.
Pero ayon sa health office, hindi sapat ang pagkakaroon ng programa kung hindi agad nagpapasuri ang mga taong may posibleng sintomas ng TB. Kapag mas maagang natukoy ang sakit, mas mabilis ding maaaring masimulan ang tamang gamutan at mabawasan ang posibilidad na makahawa sa iba.
Nakibahagi rin sa aktibidad ang Culion Foundation, Inc., ACCESS-TB–PBSP, PSERC at Philippine Coalition Against TB bilang mga katuwang sa mga hakbang kontra TB.
Sa halip na hintayin ang paglala ng sintomas, hinihikayat ang mga Batangueño na magpakonsulta sa pinakamalapit na health facility para malaman kung kailangan ng pagsusuri at treatment.
Ayon sa pamahalaang panlalawigan ng Batangas, target ng kampanya na mapalakas ang TB response sa Batangas kung saan mula prevention hanggang treatment, habang hinihintay ang mas aktibong pakikilahok ng publiko. | BChannel News |📸 Batangas PIO