P785.2 milyon ang hinihiling na pondo ng Office of the Vice President para sa 2027, mas mababa ng 11.7 percent kumpara sa P889.2 milyon na budget nito ngayong taon.
Sa proposed budget, pinakamalaki ang bahagi para sa Maintenance and Other Operating Expenses o MOOE na nasa P561.7 milyon. Kasunod ang P235.8 milyon para sa salaries at iba pang personnel expenses, habang P3.3 milyon naman ang para sa Capital Outlay.
Ayon sa OVP, gagamitin ang pondo para sa operasyon at mga programang tulad ng disaster response, libreng sakay at pamamahagi ng wheelchairs.
Ang naturang halaga ay bahagi pa lamang ng 2027 National Expenditure Program at dadaan pa sa budget process bago maging pinal na appropriations. | BChannel News