Opens in a new tab
Skip to content
Batangas Province

Mahigit isang toneladang basura, nahatak sa baybayin ng Bauan, Batangas

Mahigit isang toneladang basura ang nahakot mula sa baybayin ng Barangay Boulevard, Aplaya sa Bauan, Batangas, sa isinagawang International Coastal Cleanup 2026 nitong September 19, 2026.

Sa kabuuan, 1,234 kilograms ng basura ang nakolekta ng mga volunteers na nagsama-sama para linisin ang coastal area.

Kasama sa cleanup ang SM Malls in Batangas, community partners, mga paaralan, organizations at iba pang community groups.

Hindi lang paglilinis ng shoreline ang naging focus ng aktibidad. Layunin din nitong maipakita kung gaano karaming waste ang maaaring maipon sa isang coastal area at kung paano makakatulong ang collective action sa pagpapanatili nitong malinis.

Ang aktibidad ay bahagi ng SM Green Movement at konektado sa kanilang #SMWasteFreeFuture, na nagsusulong ng tamang waste management at pangangalaga sa coastal areas.

Ayon sa organizers, mahalaga ang ganitong community effort dahil ang problema sa basura sa baybayin ay hindi lamang nalulutas sa isang cleanup activity. Kailangan din ang patuloy na tamang pagtatapon at waste management para hindi muling mapunta sa dagat ang mga basura. | BChannel News | #BCBrandLab