Hindi lang environmental protection ang kailangang tutukan sa Taal Lake, kundi pati ang kabuhayan ng mga komunidad na umaasa rito.
Ito ang naging bahagi ng talakayan ni Governor Vilma Santos-Recto kasama ang mga national government agencies, technical experts at stakeholders ng Taal Volcano Protected Landscape o TVPL.
Tinalakay ang biodiversity monitoring, water quality at fisheries, habang isinama rin sa usapan ang sustainable livelihood at responsible tourism.
Layunin ng koordinasyon na makahanap ng konkretong paraan para mapangalagaan ang Taal nang hindi napapabayaan ang safety, livelihood at welfare ng mga residenteng nakapaligid dito.
Para kay Gov. Vi, shared responsibility ng lahat ang pangangalaga sa Taal at kailangan ang tuloy-tuloy na bayanihan para mapanatili ang balanse ng kalikasan, kabuhayan at development.