Opens in a new tab
Skip to content
Batangas Province

Mangingisda, natagpuang palutang-lutang sa ilog sa Lian, Batangas

hand reaching out of a person drowning in water

Isang mangingisda ang natagpuang palutang-lutang sa ilog sa Barangay San Diego, Lian, Batangas nitong October 5, 2026.

Kinilala ang biktima bilang si Reynaldo, 67-anyos, at residente ng Sitio Halang, Barangay Bungahan, Lian.

Batay sa initial investigation ng Lian Municipal Police Station, umalis ang biktima sa kanilang bahay bandang alas-9 ng umaga para mangisda ng maliliit na hipon sa coastal seawater ng Barangay San Diego.

Bandang alas-3:30 ng hapon, nakita siya ng kapwa mangingisdang si Jay-ar na palutang-lutang sa ilog ng Barangay San Diego, malapit sa Barangay Bungahan.

Agad humingi ng tulong si Jay-ar, kaya rumesponde ang mga tauhan ng Lian MPS at isinugod ang biktima sa Hospital.

Gayunman, idineklara siyang dead on arrival.

Wala namang nakitang foul play ang pulisya sa kanilang initial investigation. | BChannel news