Opens in a new tab
Skip to content
International

Coco Gauff, nakatanggap ng matinding racist sa China Open match sa Beijing

Nagsalita si American tennis star Coco Gauff matapos makatanggap umano ng matinding racist abuse online kasunod ng kaniyang laban sa China Open sa Beijing.

Sa match noong Lunes kontra 16-year-old Chinese player na si Sun Xinran, humingi ng video review si Gauff matapos niyang mapansin ang flickering o pagkurap ng LED lights sa court. May ilang fans na nag-boo sa naturang desisyon.

Ayon sa 22-year-old na si Gauff, umabot sa “insane” level ang racist comments at messages na natanggap niya online ilang oras matapos ang laro.

Nilinaw din ng dating US Open champion na hindi niya hinamon ang point para makalamang, kundi dahil napansin niyang muling kumurap ang lights bago tumama si Sun sa kaniyang return. Paliwanag niya, pinapayagan ng rules ang players na mag-challenge matapos ang isang play.

Sumang-ayon ang umpire na i-replay ang point, bago tuluyang manalo si Gauff, 7-5, 6-1.

Sinabi rin ni Gauff na isang incredible talent si Sun at humingi siya ng apology sa Chinese teenager pagkatapos ng match, na ayon sa kaniya ay naintindihan naman nito ang sitwasyon.

Si Gauff, na world No. 4 at 2024 Beijing champion, ay nakatakdang makaharap si Belgium’s Elise Mertens sa round of 16 sa Miyerkules.