Opens in a new tab
Skip to content
International

Higit 1.5 toneladang shabu sa Laos at Thailand, posibleng papasok sa Pilipinas

Iniimbestigahan ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA ang umano’y koneksyon ng dalawang Pilipino sa mahigit 1.5 toneladang shabu na nasabat sa Laos at Thailand at pinaniniwalaang nakatakdang ipasok sa Pilipinas.

Ayon kay PDEA Director General Usec. Isagani Nerez, 521 kilograms ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa isang airport sa Laos noong October 1. Ayon sa intelligence reports, isang private jet ang umano’y inupahan ni alias Boyet para dalhin ang droga sa Pilipinas.

Naaresto naman si alias Fahad, isang Pilipino, kasama ang mga Malaysian at Singaporean national. Parehong may address sa Luzon sina Boyet at Fahad, na posibleng makatulong sa pag-uugnay sa kanila, ayon sa PDEA.

Umalis umano ng bansa si Boyet noong October 11 at pinaniniwalaang nasa Hong Kong na.

Samantala, nasabat din ng Thai authorities ang mahigit isang toneladang shabu sa kanilang karagatan. Patuloy ang imbestigasyon ng PDEA upang matukoy ang iba pang sangkot at makapaghain ng kaukulang kaso.