Opens in a new tab
Skip to content
Batangas Province

Padre de pamilya, patay matapos saksakin ng sariling anak sa Lipa City, Batangas

crime scene do not cross signage

Nasawi ang 41-anyos na ama matapos umanong saksakin sa dibdib ng kanyang 20-anyos na anak gamit ang kitchen knife sa kanilang bahay sa Purok 6, Barangay Banay-Banay, Lipa City, Batangas, noong November 8, 2026.

Batay sa report ng Lipa City Police, naghahapunan ang mag-ama na kapwa umano nakainom ng alak nang magkaroon ng mainitang pagtatalo na nauwi sa pisikal na komprontasyon. Noong pinipigilan na ng kanilang pamangkin ang biktima na si Marlon, bigla umano itong sinaksak ng suspek.

Agad na isinugod ang biktima sa Metro San Jose Medical Center sa Barangay Banay-Banay 2, San Jose, Batangas, ngunit idineklarang dead on arrival dakong alas-8:28 ng gabi.

Naaresto naman ang suspek sa mabilis na responde ng mga mobile patrollers. Narekober sa crime scene ang isang kitchen knife na may habang humigit-kumulang 8 pulgada.

Nagsagawa na ng ocular inspection at witness interviews ang pulisya, habang hinihingi rin ang technical assistance ng Batangas Provincial Forensic Unit para sa imbestigasyon at paghahanda ng kaukulang kasong parricide laban sa suspek. | BChannel news