Opens in a new tab
Skip to content
Batangas Province

51-anyos na lalaki, nasawi matapos saksakin habang natutulog sa Ibaan, Batangas

crime scene do not cross signage

Patay ang isang 51-anyos na lalaki matapos pagsasaksakin nang ilang beses habang natutulog sa kanilang barracks sa Barangay Calamias, Ibaan, Batangas, pasado alas-12:40 ng madaling-araw nitong November 17, 2026.

Batay sa ulat ng Ibaan Municipal Police Station, ang suspek na si Ronnie, ay pumasok sa barracks at inundayan ng saksak ang biktimang si Fran na naging sanhi ng agarang pagkamatay nito.

Matapos ang insidente, tumakas ang suspek sakay ng pulang motorsiklo dala ang ginamit na patalim.

Sa paunang imbestigasyon, napag-alamang nagkaroon muna ng mainitang pagtatalo ang dalawa bago ang krimen.

Patuloy ang imbestigasyon at hot pursuit operation ng pulisya para matunton at maaresto ang suspek.