Opens in a new tab
Skip to content
Batangas Province

60-anyos na lalaki, pinagbabaril habang nagmamaneho; tricycle driver, nadamay sa San Jose, Batangas

crime scene do not cross signage

Dalawang katao ang nasugatan matapos pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang suspek sa magkahiwalay na lugar sa San Jose, Batangas, nitong November 17, 2026.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng San Jose Municipal Police Station, nagmamaneho ang 60-anyos na si Rod ng SUV nang biglang pagbabarilin ng dalawang lalaking sakay ng motorsiklo gamit ang hindi pa matukoy na baril.

Nakatakas ang mga suspek, ngunit habang isinasakay naman sa tricycle ang biktima upang dalhin sa ospital, muli silang hinarang sa Barangay Lumil.

Dito, muling nagpaputok ang mga suspek at aksidenteng tinamaan ang 32-anyos na tricycle driver na si Arcel.

Kapwa residente ng Barangay Anus ang dalawang biktima na agad na isinugod sa Hospital para malapatan ng lunas.

Patuloy ang dragnet operation ng pulisya upang matukoy at mahuli ang mga suspek. Kinukuha na rin ang mga available CCTV footage sa lugar at posibleng dinaanan ng mga ito, habang hinihintay ang tulong ng Batangas Provincial Forensic Unit para sa pagsusuri sa crime scene.

Patuloy naman ang imbestigasyon upang matukoy ang motibo sa pamamaril. | BChannel news