Opens in a new tab
Skip to content
Batangas Province

Pagpaparehistro bilang botante para sa 2028 national elections, isinasagawa sa SM City Batangas

Maaaring magparehistro bilang botante ang mga residente sa SM City Batangas sa November 17 hanggang 21 at November 25 hanggang 28, sa Ground Level malapit sa Mall Entrance 4, sa pakikipagtulungan ng mall at Commission on Elections o COMELEC.

Hinihikayat ang mga first-time voter, lalo na ang mga kabataang magiging 18 anyos pagsapit ng 2028 elections, na samantalahin ang registration service at ihanda ang mga kinakailangang dokumento.

Sa pamamagitan ng SM Government Service Express, inilapit ng SM City Batangas ang serbisyo ng COMELEC sa publiko upang mas mapadali ang voter registration.

Samantala, target ng COMELEC na malampasan ang 3 milyong registrants bago matapos ang registration period sa July 30, 2027.

Ayon kay COMELEC Chairman George Erwin Garcia, mataas ang bilang ng mga aplikante mula nang magsimula ang nationwide registration noong November 10, 2026, kung saan malaking bahagi nito ay mga kabataan.

Umaasa rin ang COMELEC na mas marami pang magpaparehistro sa pamamagitan ng pagpapalawak ng Register Anywhere Program o RAP, na inilalapit ang registration services sa iba’t ibang lungsod at provincial capitals. | BChannel news