Opens in a new tab
Skip to content
Local

Construction worker, ilang beses binaril sa Cainta, Rizal; suspek, tinutugis ng pulisya

crime scene do not cross signage

Nasa ospital ang isang 37-anyos na construction worker matapos barilin nang ilang beses ng hindi pa nakikilalang suspek sa Barangay San Andres, Cainta, Rizal, madaling-araw ng November 18, 2025.

Batay sa imbestigasyon ng Cainta Municipal Police Station, nangyari ang pamamaril bandang alas-2:15 ng umaga sa tapat ng No. 29 Everlasting Street, PFCI, habang pauwi ang biktima matapos magpa-GCash sa isang tindahan upang makapaglaro ng online game.

Bigla umanong sumulpot ang suspek at pinaputukan ng ilang beses ang biktima gamit ang baril na hindi pa tukoy ang kalibre. Agad namang isinugod ang biktima sa Cainta Municipal Hospital para malapatan ng lunas.

Nakatakas ang suspek na nakasuot ng puting T-shirt at maong pants, bitbit ang ginamit na baril. Nasaksihan naman ng may-ari ng tindahan ang insidente.

Nagsasagawa na ng hot pursuit operation ang pulisya, kasama ang pagsusuri sa CCTV footage at pagkuha ng pahayag mula sa mga posibleng saksi. Nahaharap ang suspek sa kasong frustrated murder.