Opens in a new tab
Skip to content
Batangas Province

Mahigit P5-billion pesos na manufacturing facility ng China-based C&U group, itatayo sa Alitagtag, Batangas

Isang 20-hectare manufacturing facility ang planong itayo ng Chinese company na C&U Group sa Alitagtag, Batangas, sa ilalim ng initial investment na 87 million US dollars o mahigit 5 billion pesos.

Magsisilbi itong production site para sa bearings at bearing components na ginagamit sa automotive, industrial equipment, at robotics.

Kinumpirma ng C&U Group ang investment kasunod ng pakikipagpulong ng kanilang executives kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Shenzhen, China, matapos ang kanyang pagdalo sa 33rd Asia-Pacific Economic Cooperation o APEC Economic Leaders’ Meeting.

Kapag natapos, inaasahang magiging pinakamalaking manufacturing facility ito ng kumpanya sa labas ng China at tanging production site nito sa Southeast Asia.

Ayon sa pamahalaan, inaasahang magbubukas ang proyekto ng karagdagang trabaho para sa mga Pilipino at magpapalakas sa manufacturing industry ng bansa.

Nauna nang inanunsyo ng Department of Trade and Industry noong May ang proyekto, kung saan kabilang ang Evergreen Light Singapore Inc. bilang funding partner.

Target namang matapos ang pasilidad sa loob ng limang taon.