Opens in a new tab
Skip to content
Local

Warehouse na may iba’t ibang yosi at makinarya sa paggawa ng sigarilyo, nadiskubre sa Bulacan

Mga kahon ng iba’t ibang sigarilyo, cigarette-making machines, at shredded tobacco leaves ang nadiskubre ng Bureau of Customs o BOC sa isang warehouse sa Bustos, Bulacan ngayong November 25, 2026.

Kabilang sa mga nakitang produkto ang Cannon Menthol cigarettes at iba pang materials na ginagamit sa paggawa ng sigarilyo.

Isinagawa ang inspection matapos makatanggap ng intelligence report. Naglabas ng Letter of Authority si Customs Commissioner Charlito Martin R. Mendoza para pahintulutan ang operasyon kasama ang Philippine Coast Guard o PCG at Philippine National Police o PNP.

Sa ngayon, secured na ng mga awtoridad ang warehouse habang hinihintay ang formal inventory ng mga nakumpiskang produkto at kagamitan.

Ayon sa BOC, maglalabas pa ito ng karagdagang detalye habang nagpapatuloy ang operasyon. | BChannel news