Patay ang magkapatid na Reymar at Reymond Postrado sa isang aksident sa Barangay Rumbang, Pototan, Iloilo habang papunta sila sa ospital matapos ma-saksak si Reymar nitong August 15.
Ayon sa Pototan Municipal Police Station, si Reymar ay sinaksak ng kanyang brother-in-law na si Mike sa Barangay Abangay. Agad na naaresto si Mike.
Dahil sa mga sugat, dinala siya ng kanyang mga kapatid gamit ang tricycle patungong ospital.
Ngunit habang binabaybay nila ang kalsada, nakasalubong nila ang isang pickup truck sa Barangay Rumbang. Namatay agad ang magkapatid sa aksidente.
Sa kasalukuyan, iniimbestigahan pa ang dahilan kung bakit naman lumiko ang tricycle at bumangga sa kabilang lane na tinatahak ng pick up.
Ang driver naman ng tricycle, ay tumilapon at nabangga ng ibang sasakyan. Siya ay kasalukuyang nasa kritikal na kondisyon sa ospital habang ang driver ng pick-up ay nagtamo rin ng sugat.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya at ang mga may pananagutan sa aksidente. | BChannel NEWS