Patay ang isang barangay kagawad matapos pagbabarilin ng mga di pa nakikilalang suspek sa Barangay Poblacion 4 sa Alaminos, Laguna bandang alas-7 ng gabi, October 2.
Ayon sa imbestigasyon ng Alaminos Police Station, lumalabas na nakaupo lamang ang biktima sa kanilang sari-sari store nang biglang dumating ang dalawang lalaki. Isa sa kanila, na nakasuot ng pulang Bulls jersey, puting shorts at itim na sumbrero, at binaril ang biktima nang walang malinaw na dahilan.
Ang kasama nitong suspek ay nakasuot umano ng white-grey na t-shirt at maong pants. Kapwa silang tumakas sakay ng itim na motorcycle.
Dinala si Darwin sa San Pablo Medical Center, ngunit idineklara siyang dead on arrival ng doktor.
Patuloy ang dragnet operation ng Alaminos PNP, at kasalukuyang binabalikan ang mga CCTV footage para makilala ang mga suspek.
Pinroseso na rin ng Scene of the Crime Operatives ang lugar ng insidente at inaalam na rin ang motibo sa krimen.