Tinawag na “fake news” ni Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs Frederick Go ang ulat ng Securities and Exchange Commission na nawalan ng P1.7 trillion ang stock market dahil sa flood control scandal.
Ayon kay Go, nananatiling matatag ang ekonomiya at kumpiyansa ng mga mamumuhunan sa bansa.
Dagdag pa niya, patuloy ang pagpasok ng mga pledges, kabilang na ang mahigit $1 bilyong investment mula sa isang kompanyang Koreano sa ilalim ng CREATE More Act.
Binigyang-diin din ni Go na overblown ang negatibong isyu at makakabuti sa bansa ang imbestigasyon upang maitama ang maling gawain.
Related story.