Natagpuan ang isang fetus sa isang open canal sa Barangay San Antonio, Sto. Tomas City, Batangas pasado alas-11:30 ng umaga nitong October 20, 2025.
Ayon sa Sto. Tomas City Police Station, isang tawag ang natanggap nila mula kay Barangay Captain Ulyses Rellama na nagsabing may natagpuang tila fetus sa nasabing lugar.
Agad na rumesponde ang mga pulis at nang makarating sa pinangyarihan, nakumpirma nilang mayroong fetus na nakalagay sa loob ng isang plastic bag.
Agad itong itinurn-over sa Funeral Homes sa Barangay 4, Sto. Tomas City para sa maayos na dokumentasyon at tamang disposisyon.
Sa ngayon, patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad at inaasahang titingnan din nila ang mga CCTV footage sa paligid upang malaman kung sino ang nag-iwan ng naturang fetus. | BChannel news