Isang driver na lalaki ang nasawi habang lima ang sugatan matapos mahulog ang isang puting MPV sa bangin sa Brgy. Duhat, Cavinti, Laguna pasado alas-2:30 ng hapon, October 30, 2025.
Batay sa imbestigasyon ng Cavinti Municipal Police Station, binabaybay ng sasakyan ang Pagsanjan–Cavinti Road papunta sa Barangay Bukal nang mawalan umano ng kontrol ang driver sa madulas na kalsada sa kurbadang bahagi ng highway. Dahil dito, tuluyang nahulog sa bangin ang sasakyan.
Kinilala ang nasawing driver na si Larry, 65 anyos. Kasamang nasugatan sa insidente sina Rosalinda, 66; Felicidad, 69; Maricel, 48; Kim, 22; at Kyle, 11 taong gulang.
Agad isinugod sa Hospital sa Sta. Cruz, Laguna ang mga biktima para sa gamutan, subalit idineklarang dead on arrival ang driver. Matindi naman ang pinsalang tinamo ng sasakyan na ngayon ay isinasailalim na sa towing process.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa naturang aksidente. | BChannel news | 📸 Romel Quiatchon Albalate

 
         
         
        