Naaresto ang isang Provincial Most Wanted Person mula Camarines Sur sa ikinasang joint operation ng Nasugbu Municipal Police Station at Siruma MPS nitong December 10, 2025.
Kinilala ang suspek bilang si “Juan,” 50-anyos, construction worker, tubong Zone Tongo–Bantigue sa Camarines Sur at kasalukuyang nakatira sa Brgy. Balaytigue, Nasugbu.
Inaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest na inilabas ng Regional Trial Court, Branch 63 sa Calabanga, Camarines Sur para sa kasong Murder sa ilalim ng Article 248 ng Revised Penal Code.
Ang warrant ay may petsang August 8, 2025 at walang inirekomendang piyansa.
Kasalukuyan namang inaayos ng mga pulis ang kinakailangang dokumento para sa pagsasauli ng warrant sa pinanggalingang hukuman. | BChannel news