Opens in a new tab
Skip to content
News

PNP Magde-deploy ng 100,000 Pulis para sa Holiday season

Magpapalakas ng seguridad ang Philippine National Police ngayong holiday season

sa pamamagitan ng higit sa 100,000 pulis na itatalaga sa mga terminal, transport hubs, at iba pang lugar na inaasahang dadagsain ng tao.

Ayon kay Acting PNP Chief PLtGen. Jose Nartatez Jr., mas mataas ang deployment kumpara sa nakaraang taon na may 60,000 pulis lamang.

Nakatuon ang operasyon sa kaligtasan ng mga mananakay at pagbabantay sa mga lansangan, negosyo, at residential areas.

Nanawagan ang PNP sa publiko na makiisa sa pagpapanatili ng kaayusan at kaligtasan sa pamamagitan ng sariling safety measures.