Pumalo sa panibagong pinakamataas na antas ang utang ng pambansang pamahalaan matapos umabot sa P17.71 trilyon pagsapit ng katapusan ng Disyembre 2025, mas mataas kaysa target na P17.36 trilyon ng administrasyon,
Ayon sa Bureau of the Treasury, tumaas ang utang dahil sa paglalabas ng mga instrumento para pondohan ang mga programa ng gobyerno at sa epekto ng paghina ng piso laban sa dolyar.
Sinabi ng BTr na nananatiling matatag at kayang pamahalaan ang utang ng bansa dahil 68.4 porsiyento nito ay mula sa lokal na pangungutang, kaya mas limitado ang panganib sa paggalaw ng palitan ng pera.
Gayunman, umakyat sa 63.2 porsiyento ang debt-to-GDP ratio, lampas sa 60 porsiyentong internasyonal na pamantayan, kasunod ng mabagal na paglago ng ekonomiya na 4.4 porsiyento noong 2025. | BChannel news