fbpx

19-ANYOS NA BABAE GINAHASA AT PINATAY NG LALAKING NAKILALA SA SOCIAL MEDIA

Labis ang paghihinagpis ng pamilya ng 19-anyos na dalaga na si Catherine Cuison na residente ng Barangay Lucao, Dagupan City. Natagpuang patay at naaagnas na si Catherine sa isang bakanteng lote sa bayan ng Bautista, Pangasinan.

Ayon sa pamilya ng biktima, nag-post si sa social media ang biktima para maghanap ng trabaho.

May lalaking nag-chat sa kanya at nag-alok ng trabaho. Sumama si Catherine sa kagustuhang makahanap ng trabaho. Pero pinatay at ginahasa ang biktima.

Ayon sa Pulisya, nahuli na ang 21-anyos na suspek. Umamin ito sa ginawang pagpatay at panghahalay kay Catherine.

Paalala ng pulisya, huwag basta magtitiwala sa mga nakikilala sa social media.

About Author