Malapit nang magbukas ang bagong passenger terminal building ng Port of Lucena sa Quezon na may seating capacity para sa isang libong pasahero.
Sa inspeksyon ng mga opisyal ng Department of Transportation at Philippine Ports Authority, sinabi na layunin ng mas malaking terminal na mabawasan ang siksikan at gawing mas maayos ang biyahe ng mga bumabyahe sa mga kalapit-probinsya at isla.
Bukod sa mas malawak na waiting area, magkakaroon din ito ng automated ticketing counters para mas mabilis ang pagbili ng ticket, habang nilagyan din ng solar panels ang gusali bilang bahagi ng mas sustainable na operasyon.
Ayon sa mga opisyal, inaasahang makatutulong ang modernisasyon ng pantalan hindi lang sa ginhawa ng mga pasahero kundi pati sa turismo at lokal na ekonomiya ng Quezon at karatig-lugar.
Dagdag pa rito, bahagi umano ito ng mas malawak na plano para gawing mas moderno at passenger-friendly ang iba pang pantalan sa bansa.