fbpx

TANKER TRUCK AT MOTORSIKLO, SALPUKAN SA KALSADA NG NASUGBU

Kaagad rumesponde ang MDRRMO sa isang Vehicular accident sa kahabaan ng Brgy. Kaylaway Nat’l Highway sa Nasugbu, Batangas ngayong araw Nobyembre 9 dakong 5:44 ng umaga.

Kinasasangkutan ng motorsiklo at Tanker truck ang naturang insidente.

Agad na tinulungan ng MDRRMO ang mga biktima na dumadaing  sa (posibleng) mga bali sa magkabilang binti at braso.

Samantala, agad nilagyan ng paunang lunas, ang mga pasyente at dinala sa Apacible Memorial District Hospital para sa karagdagang paggamot.

Muling pinaalalahanan ng MDRRMO ang mga motorista na mag-ingat sa pagmamaneho, palaging suriin ang mga sasakyan bago umalis, bantayan ang kalsada at huminto para magpahinga kung kinakailangan habang nagmamaneho.

via: Nasugbu Batangas MDDRMO

About Author