Aminado si Senador Christopher “Bong” Go na nananatili siyang nasa “state of shock” matapos na mapili bilang presidential bet ng Pederalismo ng Dugong Dakilang Samahan.
Ayon sa kanya, nasa isip na niya ang pagtakbo bilang bise-presidente sa nakalipas na buwan ngunit umayon sa last-minute decision ni Pangulong Duterte na siya ay maging PDDS standard-bearer.
Dagdag pa ni Go, handa siya maglingkod kahit pa naghihintay siya ng “sign” ng Diyos.