
Patay ang isang karpintero matapos itong mahulog sa ginagawang gusali sa isang sikat na theme subdivision sa Tagaytay-Laurel area nitong Nov.23 Martes ng hapon.
Kinilala ng otoridad ang biktima na si Leo Gamboa, 25 anyos, taga-Brgy. Bolbok, Batangas City at steelman sa ginagawang building sa Twinlakes Subdivision sa boundary ng Brgy. Dayap Itaas, Laurel, Batangas at Tagaytay City.
Ayon sa pulisya, ang biktima ay nahulog mula sa 3rd floor ng ginagawang Vineyard Manor building na nasa tuktok ng isang burol sa Tagaytay City area.
Nawalan umano ng balanse ang biktima habang kumukuha ng mga gamit at bumulusok sa ground floor.
Isinugod pa ito sa Ospital ng Tagaytay subalit idineklara nang dead on arrival.