fbpx

INA, NALUNOD MATAPOS SAGIPIN ANG KANYANG ANAK SA ILOG

Nalunod ang isang ina sa ilog sa Salcedo, Ilocos Sur nitong Miyerkules habang sinasagip ang kaniyang anak.

Ayon sa ulat, naliligo lang sa ilog ang sampung taong gulang na anak ni Jona Alcantara nang nakita niyang tila nalulunod ito.

Mabilis na sinagip niya ang kanyang anak subalit siya naman ang nalunod.

Sinubukan din itong i-CPR subalit hindi na nailigtas ang biktima. Ayon sa pulisya, mahigit walong talampakan ang lalim ng ilog.

About Author