Inaprubahan na ng House Ways and Means Committee ang tax provisions sa panukala para itaas ang diskwento sa mga senior citizens sa kuryente at water bills.
Inaprubahan ng kumite ang substitute bill para sa House Bills 1903 at 3040 na naglalayong amyendahan ang Republic Act 7432 o ang Expanded Senior Citizens Act of 2010.
Batay sa isinusulong na panukala, bibigyan ng hindi bababa sa 10% na diskwento ang mga senior citizens sa kanilang buwanang water at electricity bills, at “exemption” mula sa Value Added Tax o VAT. | BNC