Patay ang magdadalawang taong gulang na bata sa ligaw na bala sa Purok Malunao, Barangay Caduha-an, Cadiz City, Negros Occidental nitong Linggo.
Batay sa ulat ng pulisya, nasawi ang biltima bandang 11:30 p.m. sa Regional Hospital nitong Disyembre 6.
Ayon sa imbestigasyon, naglalaro lang ang bata sa loob ng kanilang bahay kasama ang kanyang pamilya nang marinig ang putok, matapos nito ay lumusot ang isang bala sa kanilang bahay.
Ilang sandali lang ay biglang bumulagta ang bata na duguan na ang ulo.
Sumuko sa mga pulis ang isang forest ranger na kinilalang si Nomar Ayan Berto, na inaming nagpaputok siya ng baril.
Ayon sa ulat si Berto ay sinasabing kamag-anak ng pamilya ng biktima at ngayon ay nakakulong na.