Ibinahagi ng dating Mayor Jerry Pelayo ng Candaba, Pampanga na malaking problema ang idinudulot ng online sabong sa mahihirap nilang kababayan.
Ayon sa kanya, ikinabahala ng kanilang pamilya ang masamang epekto na dulot nito matapos magpakamatay ang isa nilang kaanak na umano’y nabaon sa utang dahil sa “talpakan”.
Maging ang lalaki nilang kasambahay na apat na taon nang naninilbihan sa kanilang pamilya ay ninakawan sila para sa tumalpak.