Opens in a new tab
Skip to content
Batangas Province

Grand Magical Christmas parade, muling magbabalik sa mga SM Supermalls sa Batangas

Muling nagbabalik ang Grand Magical Christmas Parade Special sa SM Supermall sa Batangas kung saan itatampok ang mahigit 80 Christmas characters, kabilang sina Santa Claus, elves, reindeers, giant puppets at iba pang Christmas favorites.

Layunin ng parade na maghatid ng Christmas entertainment at pagsama-samahin ang mga pamilya sa pamamagitan ng festive music, colorful performances at holiday activities.

Sa Batangas, nakatakdang idaos ang unang parade sa SM Center Lemery sa December 5, sa second level, tapat ng Concorde, na may parehong show schedule na alas-3 at alas-6 ng hapon.

Susundan naman ito sa SM City Sto. Tomas sa December 6, 2026, na may palabas sa alas-3 at alas-6 ng hapon.

Samantala, sa SM City Batangas naman ito mapapanood sa December 12, 2026, sa Mall Atrium 2, Ground Level, ganap na alas-3 at alas-6 ng hapon.

Bahagi ang aktibidad ng 12 Weeks of Iconic Christmas ng SM Supermalls, na naglalayong panatilihin ang Christmas traditions at lumikha ng masasayang memories para sa mga pamilya. #BCBrandLab