Opens in a new tab
Skip to content
Food

Maraming kabataan, pinipili na ang kape kaysa sa alak; buwis sa kape, iminungkahi

Black coffee with coffee crema

Ikinababahala ng mga producer ng alak ang posibleng dagdag-pasanin sa kanilang industriya kapag itinuloy ang panukalang pagtataas ng excise tax sa alcoholic beverages, at hiniling sa gobyerno na humanap muna ng ibang pagkukunan ng kita.

Sa pagdinig ng House Committee on Ways and Means na pinamunuan ni Marikina City Representative Miro Quimbo, sinabi ni Distilled Spirits Association of the Philippines o DSAP President Olivia Limpe-Aw na mataas na ang buwis na binabayaran ng kanilang industriya.

Paliwanag niya, nagbabayad na sila sa Bureau of Internal Revenue o BIR bago pa man magawa at maibenta ang kanilang mga produkto.

Ayon pa kay Limpe-Aw, magiging napakahirap ng 2027 para sa industriya kung madadagdagan pa ang kanilang buwis.

Binanggit din niya na nagbabago na ang nakasanayang konsumo ng mga Pilipino, dahil mas pinipili na umano ng maraming Gen Z ang kape kaysa alak. Pabiro pa niyang iminungkahi na pag-aralan din ang pagbubuwis sa kape.

Samantala, ilang panukala ang nakahain sa House of Representatives para itaas ang excise tax sa mga inuming may alkohol.