fbpx

ISANG BRIDE, DIRETSO SA WEDDING MATAPOS MANGANAK

Hindi napigilan ang pagpapakasal ng isang bride kahit pa kakapanganak lang nito.

Sa isang viral post sa Facebook ni Louie Pasinabo, aniya kakaibang kasal ito sa kanyang misis na si Hiassin Jane Carulasan sa Oslob, Cebu Province.

Pagsapit ng araw ng kanilang pagpapakasal ay nakaramdam ng senyales na manganganak na ito.

Kaya naman sinugod agad sa ospital ang bride para isilang ang kanyang sanggol.

Makalipas ang limang oras ay imbes na hospital gown ay wedding dress naman ang suot ng bride dahil diretso agad ito para magpakasal sa isang bakanteng lote sa tapat ng ospital.

Kita sa larawan na nakaupo sa wheelchair si Jane sa kanyang kasal.

About Author