fbpx

ISANG LALAKI, NATAGPUANG PATAY AT TADTAD NG BALA SA LOOB NG KOTSE SA CALACA, BATANGAS

Isang lalaki ang nadiskubreng patay sa isang kotse sa Calaca, Batangas noong, December 8.

Batay sa report ng Calaca Police, kinilala ng pamilya ang biktima na si Geronimo Mastirili, 43 taong gulang, dating administrative officer sa TCN Security Agency.

Natagpuan ang bangkay ni Mastirili, na tadtad ng bala sa katawan sa isang kotse sa Barangay Cahil bandang alas-5 ng umaga.

Narekober sa pinangyarihan ang labing-apat na basyo ng bala gamit ang 9mm na baril.

Walang plaka ang kotse at walang conduction sticker, at ang tanging marka ay ang sticker nito na may nakasulat na “City of Bacoor Solidarity Route”.

Samantala, patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon hinggil sa insidente dahil nakunan ng CCTV ang pagkaparada ng kotse ng biktima sa lugar. |BNC

About Author