fbpx

SE. PACQUIAO, INALOK NA UMATRAS SA PRESIDENTIAL RACE

Sinabi ni presidential aspirant at Senador Manny Pacquiao na pinaaatras na ito sa presidential race sa national election 2022.

Hindi pinangalanan ni Pacquiao ang grupo at mga indibidwal na nag-alok sa kanya pero ginawa raw ito bago siya maghain ng COC at bago ang deadline substitution.

Pero nanindigan raw siya na ituloy ang laban.

Kahapon ay nagmotorcade si Pacquiao sa Quezon city.

Binisita nito ang mga lokal na opisyal sa Payatas at namahagi ng tulong sa mga residente ng Commonwealth.

About Author