Nasa mahigit na P900 million na halaga ng relief goods ang inihanda para sa pagtama sa bansa ng bagyong Odette, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Ayon kay NDRRMC spokesperson Mark Timbal, nagpulong na ang local disaster councils at local government units (LGUs) sa mga lugar na pinangangambahang apektado ng bagyo.