
LOOK: Isang lalaking ang nakunan na kita ang takot sa mukha, samantalang ang isa ay nakakubli sa pader dahil sa hagupit ng bagyong #OdettePH , pinagmamasdan nila ang kanilang mga bangkang ginagamit pang-hanapbuhay habang lumulubog.
Ayon sa otoridad ng Barangay San Isidro, walo na ang mga lumubog na bangka na nakadaong sa Puerto Princesa City Baywalk dahil sa hagupit ng bagyong Odette.
Kasalukuyan na ring nasa naturang lugar ang mga may-ari ng mga bangka matapos silang abisuhan ng barangay officials.
Ayon pa sa ulat, nasabihan naman ang mga may-ari ng mga bangka subalit hindi na nila naikyat dahil sa taas.
Samantala, ang sitwasyon naman ng mga bahay na nasa coastal area sa Brgy. San Jose Taytay, Palawan pasado 2 p.m. sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong #OdettePH ay lumulubog na sa baha. Itinaas ang signal number 3 sa munisipyo ng Taytay, Palawan.
Justine Miguel
